Pacquiao todo-todo ang ensayo
March 9, 2003 | 12:00am
Ipinamalas ng World Champion Manny Pacquiao ang kanyang tikas sa isinagawang workout kontra sa kanyang chief sparmate kahapon sa L&M Gym kung saan siniguro ng boksingerong mula sa General Santos City na walang patutunguhan ang kanyang makakalaban na si Serikzhan Yeshmangbetov kundi ang humiga siya sa canvass.
Nakatakdang magbasagan ng mukha sina Pacquiao at Yeshmangbetov sa non-title fight sa Marso 15 sa Luneta Park kung saan inaanyayahan nina Manila Mayor Lito Atienza at First Gentleman Mike Arroyo ang mga boxing apisyunados na manood ng nasabing laban.
Tinaguriang Bakbakan sa Luneta ang nasabing event ay libre sa publiko.
Gamit ang kanyang bilis at matikas na kamao, ginapi ni Pacquiao si Rod Kevkatche, isang linggo bago ang kanyang laban sa kauna-unahang pagkakataon sa Luneta park.
Ayon naman kay Ali Atienza, lahat ng 895 barangays sa Manila ay nandoon mismo sa araw ng laban upang suportahan si Pacquiao.
"This is one way of showing that Manileños truly care and is 100 percent behind our champion," wika ni Ali.
Ngayong alas-7 ng umaga, nakatakdang mag-jogging si Pacquiao kasama si mayor Atienza sa Luneta.
"Hindi ko palalagpasin ito," ani naman ni Pacquiao, ang kasalukuyang International Boxing Federation (IBF) super bantamweight champion. "Biruin mo sasabayan ka sa pag-eensayo ng mayor ng Manila."
Bagamat hindi nakataya ang kanyang IBF 122-pound title sa labang ito, nakataya naman dito ang reputasyon ni Pacquiao na ang kanyang kabiguan ay tiyak na makakaapekto ng malaki sa kanya.
Nakatakdang magkita ang dalawang magkaribal sa Martes ng umaga kung saan sila ay panauhin sa Philippine Sportswriters Association Forum sa Holiday Inn Manila.
Gaganapin ang official-weigh-in sa Games and Amusement Board office sa Makati sa Biyernes.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended