12 golds hinakot ng Ilocos Norte
March 8, 2003 | 12:00am
Manaoag, Pangasinan Muling umani ng 12 gintong medalya ang Ilocos Norte upang isiguro ang pangkalahatang korona sa Ilocos Region Athletic Association (IRAA) meet na ginaganap sa Manaoag National High School ground dito.
Sa kabuuan umaabot na sa 70 golds ang naiipon ng Ilocos Norte na nagbigay pansin upang muling manabik ang mga manonood kung sino ang kukuha ng ikalawang puwesto sa elementary division na pinaglalabanan naman ng La Union at Pangasinan ll.
Sa secondary division, nakatitiyak na ang La Union at ang ikatlong puwesto ay pinag-aagawan naman ng Pangasinan ll, Ilocos Sur at Dagupan City.
Pahinga ngayon ang palaro at muling magbabalik ang aksiyon bukas.
Samantala, nagpahayag ng kasiyahan si Madam Juliana Laoag, school division supirentendent, Pangasinan ll division sa matagumpay at maayos na pagdaraos ng meet kung saan siya ang overall in-charge.
Nagpapasalamat din si Laoag sa media dahil sa kauna-unahang pagkakataon, ang IRAA ay ang nagkaroon ng publisidad sa mga national papers.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am