^

PSN Palaro

Picar ang 'K-9' at 'One Heart' ng Davao

-
DAVAO CITY – Hanggang sa kanyang huling sandali, pagmamahal pa rin sa kanyang mga kaibigang drivers na nakatambay sa parking area ng Davao International Airport ang ipinakita ni 1993 Orient Pacific Boxing Federation (OPBF) champion Armand Picar. Pinatotohanan niya sa mga ito ang kahulugan ng ‘K-9’ at ‘One heart.’

"Tinawag niya ako para sundan siya sa arrival area dahil kararating lang ng Cebu Pacific flight. Una ako sa linya ng mga nakaabang na taxi. Kinawayan ko siya at sinabing mauna na. Ilang saglit lang, nakarinig ako ng pagsabog," pahayag ng 42-anyos na si Romeo Evaoro, ng huli niyang makitang buhay si Picar.

Ayon kay Evaoro, si Picar ay tinagurian bilang isang ‘K-9’ ng mga airport regulars dahil mistula siyang isang sniffing dogs na malakas ang pang-amoy sa droga at bomba mula sa malayo, siya rin ang gusto ng mga nagsisidatingang mga pasahero na naghahanap ng masasakyan lalo na sa mahabang biyahe sa kalapit na probinsiya.

Ama ng pitong bata sa dalawang babae, ibinahagi rin ni Picar ang kanyang pagiging malapit sa mga iba pang regulars sa Davao Airport. "We call each other ‘one heart.’ It is a term we call each other for a long time already to signify our closeness," wika pa ni Evaoro itinuturo ang kanyang puso.

Ang maskuladong si Picar, isa sa sikat na boksingero ng bansa na matapos magretiro sa boxing ay lumipat ng ibang trabaho na kinabibilangan ng stevedore sa Japan noong huling bahagi ng dekada 90s bago naging vehicle dispatcher sa Davao Airport ay kabilang sa 21 na namatay noong Huwebes ng hapon sa isang malakas na pagsabog na naganap sa waiting shed sa labas ng passenger terminal ng Davao Airport.

Nahirang na boxer of the Year noong 1993, apat na ulit na dinala ni Picar sa canvass ang kalabang si Yung Kil Chung ng South Korea upang itala ang nakakagulat na knockout sa 1:10 minuto ng opening round ng kanilang 12-round junior middleweight championship na ginanap sa gabi ng Araw ng Kapaskuhan sa Seoul. (Ulat ni Edith Regalado)

ARMAND PICAR

CEBU PACIFIC

DAVAO AIRPORT

DAVAO INTERNATIONAL AIRPORT

EDITH REGALADO

EVAORO

ORIENT PACIFIC BOXING FEDERATION

PICAR

ROMEO EVAORO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with