Taulava, Peña puwede na
March 7, 2003 | 12:00am
Nakakuha na si Dorian Peña ng San Miguel Beer at Paul Asi Taulava ng Talk N Text ng lisensiya mula sa Games and Amusement Board para makalaro sa pagsasagupa ng kanilang koponan sa Linggo sa PBA Samsung All-Filipino Cup.
Binigyan ng go signal ang dalawang manlalaro kahapon ni GAB Chairman Eduardo Villanueva matapos magpasa ng isang dokumento.
Nagbigay ng medical certificate ang dalawang player kasama ang kanilang certificate of enrollment ng anim na buwang counselling program.
Bukod sa counselling, kinailangan din ng dalawa na dumaan muna ng urine test kada-game bilang parusa ng PBA bukod pa sa nakaraang two game suspension.
Matatandaan na sinabi ng GAB na hindi nila bibigyan ng lisensiya sina Taulava at Peña hanggat hindi ito sasailalim sa rehabilitation program.
Ngunit ipinaglaban naman ni PBA commissioner Noli Eala ang dalawang manlalaro at sinabing nabigyan na ng karampatang parusa na dalawang game na suspensiyon.
Bukod pa rito, pinagmulta din ng Phone Pals si Taulava ng P150,000.
Bunga nito, inaasahang makakabawi na ang Talk N Text sa kanilang nakaraang dalawang pagkatalo sa kanyang paglalaro sa Marso 9 kontra sa San Miguel na magagamit na ang serbisyo ni Peña. (Ulat ni CVOchoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended