Dagupan swimmers bumulusok
March 6, 2003 | 12:00am
MANAOAG, Pangasinan Bumulusok ang Dagupan City sa swimming upang agawin ang pangunguna sa Ilocos Norte sa ginaganap na Ilocos Region Athletic Association (IRAA) meet sa Manaoag National High School Athletic ground dito.
Pinangunahan nina Carlos Alipio Fernandez at Sadeg Nehrum ang pananalasa ng Dagupan tankers sa pagsisid ng kabuuang 14 ginto para sa kabuuang 27 gold at mapatalsik ang dating lider na Ilocos Norte na may 25 lamang na nalikom matapos ang ikatlong araw ng kumpetisyon.
Ang 12-anyos na grade V sa Mother Goose School na si Fernandez ay nakopo ang gold medal sa 100m breastroke, 50m breastroke, 50m freestyle at 50m butterfly medley events.
Samantala, si Nehrum naman ay nakagold sa 50m at 100m backstroke at 4x50 at 4x100m backstroke sa elementary division.
Ang iba pang nagsumite ng gold sa Dagupan ay sina Kalayaan Manalung sa 400m freestyle at Jackie Villagracia sa 100m butterfly sa girls elementary division.
Bukod sa walong ginto na nakopo ng Ilocos Norte sa swimming event, kumubra rin sila ng isa sa taekwondo, tatlo sa athletics at isa sa table tennis upang maka-ipon ng kabuuang 25 ginto.
Pumapangatlo naman ang Pangasinan II na may 16 gold medals at ang Ilocos Sur na may 12 golds.
Samantala, tinanghal na kam-peon ang Urdaneta sa singles boys secondary division ng lawn tennis event na nagwakas kahapon, habang ang Pangasinan II naman ang nag-reyna sa girls secondary divisions.
Sa girls elementary single, nagwagi ang La Union at sa boys ang Ilocos Norte.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended