^

PSN Palaro

RP National Pool muling susubukan ang tikas

-
Muling masusubukan ang gilas ng RP National Candidates Pool kontra sa mga PBL teams sa isa pang exhibition series na tinaguriang PBL Outreach Tour na nakatakda sa Marso 7-14.

Ang unang laban ay sa Makati Coliseum kung saan maghaharap ang Challenge Cup champion Welcoat Paints at runner-up Hapee Toothpaste bukas, alas-3 ng hapon na agad susundan ng bakbakan ng RP National Pool kontra naman sa Montana Jewels sa alas-5 ng hapon.

Ang susunod na aksiyon ay lilipat sa San Juan Gym sa Marso 10 kung saan magtatagpo naman ang Nationals at Blu Star Detergent sa alas-5 ng hapon pagkatapos ng sagupaan ng Viva Mineral Water at ICTSI sa alas-3 ng hapon.

Ang PBL Outreach Tour ay tutungo naman sa University of Assumption sa Pampanga sa Marso 11, kung saan makakaharap ng Nationals ang mga beteranong PBA players ng SMC All-Stars North na pinamamahalaan ni coach Eric Altamirano sa alas-5 ng hapon pagkatapos ng bakbakan ng Nutrilicious at John O sa alas-3 ng hapon.

Dadako naman ang Tour sa unang pagkakataon sa Nene Aguilar Sports Complex sa Las Piñas sa Marso 13 at magkikita ang RP Nationals at Nutrilicious sa alas-5 ng hapon pagkatapos ng duwelo ng Welcoat Paints at LBC-Batangas sa alas-3 ng hapon.

At ang pinal na bakbakan ay ang pagkikita ng John O kontra sa SMC All-Star South sa alas-3 ng hapon na susundan ng engkuwentro ng Ateneo Blue Eagles at Viva Mineral Water sa Moro Lorenzo gym.

At malamang na ito na ang huling pagbabatayan ni RP coach Aric del Rosario sa pagpili ng 12-man National team na nakatakdang lumahok sa tatlong international competitions ngayong taon kasama na ang Vietnam SEAG.

vuukle comment

ALAS

ALL-STAR SOUTH

ALL-STARS NORTH

ATENEO BLUE EAGLES

HAPON

JOHN O

MARSO

OUTREACH TOUR

VIVA MINERAL WATER

WELCOAT PAINTS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with