^

PSN Palaro

Taulava, Peña isasailalim sa pagsusuri ng PDEA

-
Isasailalim sa masusing imbestigasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang dalawang manlalaro ng Philippine Basketball Association (PBA) na napatunayang positibo sa paggamit ng illegal na droga.

Sinabi ni PDEA Director General Anselmo Avenido Jr., na inatasan na niya ang Intelligence and Investigation Service (IIS) para isalang sa pagsisiyasat sina Fil-Tongan Paul Asi Taulava ng Talk ‘N Text at Fil-Am Dorian Peña ng San Miguel Beer.

Ang imbestigasyon ay nag-ugat nang magsagawa ang PBA management ng drug testing kamakailan sa lahat ng manlalaro alinsunod sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 kung saan lumabas sa resulta na positibong gumagamit ng bawal na gamot sina Taulava at Peña.

Sina Taulava at Peña ay kapwa pinatawan ng two-game suspension dahilan sa kanilang paglabag sa patakaran ng PBA na mahigpit na nagbabawal sa sinumang nasa impluwensiya o gumagamit ng bawal na gamot na makapaglaro.

Gayunman, ayon sa ilang sektor, masyado umanong magaan ang ipinataw na kaparusahan laban kina Taulava at Peña para magsilbing aral ito sa manlalaro ng alinmang koponan.

Ang dalawang players ay nauna na ring tinuligsa ng iba’t ibang grupo na ayon sa kanila, ang dalawang manlalaro ay hindi umano magandang halimbawa sa mga kabataang umiidolo sa kanilang kahusayan sa paglalaro ng basketball.

Kaugnay nito, pinapurihan naman ni Avenido ang liderato ng PBA kaugnay ng kanilang mahigpit na pagpapatupad ng anti-drug policy. (Ulat ni Joy Cantos)

DIRECTOR GENERAL ANSELMO AVENIDO JR.

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

DRUGS ACT

FIL-AM DORIAN PE

FIL-TONGAN PAUL ASI TAULAVA

INTELLIGENCE AND INVESTIGATION SERVICE

JOY CANTOS

N TEXT

PHILIPPINE BASKETBALL ASSOCIATION

REPUBLIC ACT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with