^

PSN Palaro

SMC balik na talaga sa PBL

-
Makalipas ang maraming taon, magbabalik na muli ang league pioneer na San Miguel Corporation sa Philippine Basketball League (PBL) sa pamamagitan ng kanilang sister team Coca-Cola Bottlers.

Pormal na inihayag ni Coca-Cola Human Resources director Atty. Jesse Macias ang kanilang intensiyon na magbalik na sa PBL nang kanilang kumpletuhin ang mga requirements na kailangan ng koponan, kanilang dadalhin ang pangalan ng Viva Mineral Water.

Ito rin ang nagbigay daan para sa muling pagbabalik rin ng Far Eastern University sa PBL na huling lumaro na taglay ang pangalang RFM noong kaagahan ng dekada 90s.

Ang Tamaraws ay babanderahan ng siyam na mga manlalaro ng Far Eastern University kung saan sila ay palalakasin ng anim na mahuhusay na beterano.

Sila ay makakaliskisan ngayong hapon sa pasagupa sa LBC-Batangas sa kasalukuyang PBL RP-US Goodwill Series na gaganapin sa Lipa Cultural and Sports Center sa alas-3 ng hapon, bago susunod ang banggaan ng RP team at ng USA-Selection sa alas-5.

Samantala, gaya ng dapat asahan, tinanghal na top pick si Lewis Alfred Tenorio sa ginanap kahapon na PBL Rookie Draft sa PBL Office.

Nagbago ng isip ang bagitong koponan na Nutrilicious na siyang may-ari ng first pick sa draft nang makipagpalit ito sa Dazz, ikaanim sa draftting order para kay Tenorio na lalaro kasama ang kanyang mga teammates na sina Wesley Gonzales, Rich Alvarez at Larry Fonacier.

At sa halip, kinuha ng Nutrilicious si Jonathan Taronas ng PSBA sa first round, bago sinungkit si Sandy Limen sa second round bago nag-pass sa third round.

Kinuha naman ng Montana ang di kilalang si Roselette Callueng sa first round kasama sina Michael Gonzales, Fil-Am Francis Rauschmayer, Mark Marcos at Roberto Abanilla sa sumunod na round.

Hinugot naman ng ICTSI sina Christian Cabatu, sinun-]dan nina Pocholo Villanueva at Fil-Am David Osborne.

Inasinta ng LBC-Batangas ang higanteng si Ian Lester Bayot ng La Salle sa first pick, sinundan nina Michael Richards subalit ipinagpalit sa Welcoat, Ron Jason Buenaflor, James Hudential, Ryan Edward Palo at Carlo Poblete.

At nasa Hapee naman si Mark Abundo bago nag-pass na sa third round.

Tanging si Jose Antonio Garcia ng FEU ang sinungkit ng bagitong koponan na Viva Mineral Water, habang hindi naman kumuha ang John-O sa rookie draft.

Kinuha rin ng Nutrilicious si Arjun Cordero, mula sa draft, habang napisil ng John-O ang RP team hopeful at three-point shooter Emmerson Oreta.

Tatlo ang sinungkit ng Montana sa dispersal draft--sina Vj Santos, Ollan Omiping at Dean Hubalde.

ANG TAMARAWS

ARJUN CORDERO

BATANGAS

CARLO POBLETE

CHRISTIAN CABATU

COCA-COLA BOTTLERS

COCA-COLA HUMAN RESOURCES

FAR EASTERN UNIVERSITY

NUTRILICIOUS

VIVA MINERAL WATER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with