^

PSN Palaro

Taulava, Peña kailangang dumaan sa isa pang drug test

-
Hiniling ni Sen. John Osmeña, chairman ng Senate Committee on Government Corporations and Public Enterprises, sa Philippine Drug Enforcement Agency na magsagawa ng drug dependency test kina Paul Asi Taulava ng Talk N Text at Dorian Peña ng San Miguel Beer.

Sinabi ni Osmeña na kailangang masuri ang dalawang cager sa mas competent na testing facility para maliwanagan kung ang dalawa ay drug dependent matapos matuklasang may bahid ng marijuana ang kanilang urine sample para sa mandatory test na isinagawa ng PBA officials at Games and Amusement Board kamakailan.

Ayon pa kay Osmeña, kapag napatunayan na drug dependent sina Taulava at Peña kailangang malagay sila sa compulsary confinement at kailangang dumaan sa rehabilitation and treatment program para sa mga drug dependents.

Sa sulat ni Osmeña kay USEC Anselmo S. Avenido Jr., PDEA Director General, na batay sa Sections 61 at 62, Article 8 ng Republic Act 9165 o mas kilalang Comprehensive Dangerous Drug Acts ng 2002 kailangang i-apply ito sa mga PBA players na mapapatunayang drug dependent.

"I am calling your attention to Section 61 and 62 of RA 9165. If Taulava and Peña are found to be drug dependents, their compulsary confinement should take effect in accordance with the law or the "Comprehensive Dangerous Drug Act 2002," ani Osmeña sa kanyang ipinadalang press statement. (Ulat ni Dina Marie Villena)

ANSELMO S

AVENIDO JR.

DINA MARIE VILLENA

DIRECTOR GENERAL

DORIAN PE

DRUG

DRUG ACT

DRUG ACTS

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

NTILDE

OSME

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with