Pinangunahan ni Willie Miller, 2002 MVP, ang Thunder sa paghakot ng 12-puntos sa kanyang tinapos na 21 puntos sa ikatlong quarter upang iahon sa 10-puntos na pagkakahuli ang Thunder.
Buhat sa 48-33 kalamangan ng Express, pinagbidahan ni Miller ang 18-5 run kabilang ang 9-0 produksiyon na naglagay sa Red Bull sa 56-53 pangunguna sa pagtatapos ng naturang yugto.
Isa pang run ang isinagawa ng Red Bull sa ikaapat na quarter, 11-2 salvo, upang ilarga ang Thunder sa 69-58 pangunguna patungo sa huling limang minuto ng labanan na kanilang naging sandalan para sa tagumpay.
Nagtangkang bumangon ang Thunder sa pamamagitan ng 13-4 paghahabol, 71-74 mula sa magkasunod na basket ng new comer na si John Ferriols ngunit muling bumanat si Torion upang masiguro ang panalo ng Red Bull.
Umiskor naman si Miller sa kanyang apat na free throws upang tulu-yang iselyo ang buwenamanong panalo ng Red Bull upang makasama sa winners column na kinabibilangan ng Ginebra, Alaska at Shell.
Habang sinusulat ang balitang, kasalukuyang naglalaban ang San Miguel at Coca-Cola bilang main game kagabi.
Magpapatuloy naman ang aksiyon sa Eastern College sa Baguio kung saan target ng Barangay Ginebra ang ikalawang panalo laban sa Sta. Lucia. (Ulat ni Carmela Ochoa)