^

PSN Palaro

Red Bull humataw na

-
Humataw sa ikatlong quarter ang Batang Red Bull upang isulong ang 79-78 panalo kontra sa FedEx Express sa kanilang debut game sa PBA Samsung All-Filipino Cup sa Makati Coliseum.

Pinangunahan ni Willie Miller, 2002 MVP, ang Thunder sa paghakot ng 12-puntos sa kanyang tinapos na 21 puntos sa ikatlong quarter upang iahon sa 10-puntos na pagkakahuli ang Thunder.

Buhat sa 48-33 kalamangan ng Express, pinagbidahan ni Miller ang 18-5 run kabilang ang 9-0 produksiyon na naglagay sa Red Bull sa 56-53 pangunguna sa pagtatapos ng naturang yugto.

Isa pang run ang isinagawa ng Red Bull sa ikaapat na quarter, 11-2 salvo, upang ilarga ang Thunder sa 69-58 pangunguna patungo sa huling limang minuto ng labanan na kanilang naging sandalan para sa tagumpay.

Nagtangkang bumangon ang Thunder sa pamamagitan ng 13-4 paghahabol, 71-74 mula sa magkasunod na basket ng new comer na si John Ferriols ngunit muling bumanat si Torion upang masiguro ang panalo ng Red Bull.

Umiskor naman si Miller sa kanyang apat na free throws upang tulu-yang iselyo ang buwenamanong panalo ng Red Bull upang makasama sa winners column na kinabibilangan ng Ginebra, Alaska at Shell.

Habang sinusulat ang balitang, kasalukuyang naglalaban ang San Miguel at Coca-Cola bilang main game kagabi.

Magpapatuloy naman ang aksiyon sa Eastern College sa Baguio kung saan target ng Barangay Ginebra ang ikalawang panalo laban sa Sta. Lucia. (Ulat ni Carmela Ochoa)

BARANGAY GINEBRA

BATANG RED BULL

CARMELA OCHOA

EASTERN COLLEGE

JOHN FERRIOLS

MAKATI COLISEUM

RED BULL

SAMSUNG ALL-FILIPINO CUP

SAN MIGUEL

WILLIE MILLER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with