Tingnan natin kung meron namang ibubuga ang mga rookies na sina Enrico Villanueva, seventh pick ng Red Bull, Marlon Legaspi, ang ikawalong pick ng San Miguel, Reynell Hugna-tan, ikasiyam na pick ng Coca-Cola Tigers at John Ferriols, ang 12th pick ng FedEx Express.
Unang isasalang ang Red Bull at FedEx sa alas-5:00 ng hapong laban habang ang engkuwentro naman ng magkapatid na kumpanyang Coca-Cola at San Miguel ang mainer sa alas-7:30 ng gabi.
Kumpara sa tatlong first rounders, mas pagtutuunan ng pansin ang second round pick na si Ferriols na mas malaki pa ang kontratang nakuha kaysa sa top 10 picks.
Si Ferriols, ang karibal ni Romel Adducul sa pasikatan sa dating Metropolitan Basketball Association ang may pinakamalaking kontrata sa mga batch ng rookies sa taong ito.
Si Villanueva ay ang pangunahing player ng Ateneo sa UAAP kung saan kanilang nakopo ang titulo noong nakaraang taon.
Kabilang din ito sa mga star players sa Philippine Basketball League kasama sina Legaspi at Hugnatan.
Ang iba pang rookies at newcomers sa kanilang team na posibleng magpasiklab ngayon ay sina George Chistian Chia, Gilbert Lao, at Leo Avenido ng Tigers, Homer Se ng Thunder, Ryan Bernardo, at Omanzie Rodriguez ng Express, Billy Moody, Arnold Calo at Arnold Gamboa ng San Miguel.
Hindi makakasama ngayon ng San Miguel si Dorian Peña na sinus-pindi ng dalawang laro tulad ni Paul Asi Taulava ng Talk N Text dahil nadiskubreng positibo ang dalawa sa bakas ng marijuana sa isinagawang drug test ng PBA bago magsimula ang kumperensiya.
Ang mga mananalo ngayon ay hahanay sa Alaska, Ginebra at Shell na nagtagumpay sa kanilang debut game sa season na ito.
Tinalo ng Alaska ang Sta. Lucia noong opening day, 91-82 habang magkahiwalay na come from behind na panalo ang isinagawa ng Turbo Chargers, 77-74 at Barangay Ginebra 84-76 ayon sa pagkakasunod.
Samantala, inihayag ng PBA Commissioners Office na babakantehin nila ang kanilang lugar sa courtside at ibubukas nila para sa mga manonood at kikilalaning Commissioners Row sa paying public sa Araneta Coliseum at PhilSports.
Ito ay upang mapalapit ang mga fans sa laro.
Sa Araneta, ang Com-missioners row ay tatawaging Premium box na may presyong P400 para sa elims at quarterfinals, P480 pag-semis at P550 pag finals. Makakatabi din nila ang ilang celebrities sa naturang upuan.
Sa PhilSports naman, ito ay tatawaging VIP-Press box na may tiket na nagkakahalaga ng P350 para sa elims at quarterfinals, P420 sa semis at P500 sa finals.
Lahat ng special seats sa Big Dome at PhilSports ay bibigyan ng special privileges. (Ulat ni Carmela Ochoa)