Nakatakda ang kanilang engkuwentro sa alas-5 ng hapon matapos ang pagpapakitang gilas ng Welcoat at Quezon Selection sa alas-3 ng hapon.
Bumangon ang bisitang American teams mula sa 84-89 pagkatalo sa kanilang debut game kontra sa RP team noong Sabado ng gabi maka-raang pabagsakin ang Hapee Toothpaste kung saan ilang ulit itong luma-yo ng 27 puntos bago naiselyo ng USA selection ang kanilang panalo sa iskor na 103-76.
Bumandera sa pana-long ito ang six-foot-five na si Will Levy nang tumapos ng 22 puntos, 12 rebounds na sinuportahan naman ni Brando Payton na nagsumite ng 19 puntos, 10 assists, apat na rebounds at dalawang steals.
Hindi alintana ni Blu coach Leo Isaac ang malakas na frontline ng mga Americans at ang kanilang lakas at bilis at sa halip sinabi nito na kakaibang intensidad, opensa at depensa ang kanilang ibibigay sa kalaban.
Isa lang ang siguradong magiging problema ng Detergent Kings ang pagkawala ng kanilang court leadership na sina Aries Dimaunahan at Marlon Legaspi na umak-yat na sa PBA.
Ang iba pang babandera sa Blu ay ang nagbabalik na si Roland Pas-cual, dating manlalaro ng Ana Freezer King kasama sina Chris de Jesus, Melvin Taguines, Mike Garcia, John Paul Prior, Jacques Gottenbos, Gio Coquilla, Rey Mendez, Tristan Codamon, three-point shooter Eric dela Cuesta at Lou Gatumbato.