Dapat silang dumating na nakasuot na ng kani-kanilang mga damit panlaro sa camp na panga-ngasiwaan ng PBL Technical Committee sa pangunguna ni Vic Maglaya bilang PBL coaches upang masilayan ang kani-kanilang mga talento na siyang gagamiting basehan para sila mapili sa PBL Draft.
Iniurong ang PBL Draft kasama ang dispersal ng Sunkist-Pampanga sa Feb. 28 upang maka-pagbigay daan sa mga PBL coaches ng sapat na oras upang mapag-isipan ang kani-kanilang mga mapipili na magpapalakas ng kani-kanilang koponan.
Aabot sa kabuuang 102 applicants ang dumalo ngayong taon sa PBL Rookie Draft at tinatayang ang manlalarong Ateneo pointguard na si Lewis Alfred Tenorio ang siyang top pick.