Django nabuhayan ng pag-asa
February 24, 2003 | 12:00am
Matapos malaglag sa one-loss bracket, naging progreso ang kampanya ni Francisco Django Bustamante upang lukuban ang pagbagsak nina Efren Bata Reyes at Warren Kiamco sa winners side ng Ten Ball Challenge sa Trump Marina sa Atlantic City New Jersey.
Winalis ni Bustamante ang pitong matches upang makarating sa Finals ng one-loss bracket kung saan nakatakda nitong harapin si Danny Hewitt.
Matapos bumagsak sa ikatlong round sa winners side, iginupo ni Bustamante sina Claude Bernatchez, 10-5; Ian Costello, 10-5; Mike Davis, 10-3; at Fabio Petroni, 10-6.
Sinundan naman niya ito ng tatlong sunod na panalo laban sa mga bigating cue artist na sina Johnny Archer, 10-5; kababayang si Efren Bata Reyes,10-6 at Earl Strickland, 10-3.
Bagamat nakausad sa ikalimang round ng winners bracket si Reyes matapos ang 10-6 panalo laban kay David Hemmah, yumukod naman ito kay Ronnie Alcano, 8-10 sanhi ng kanyang pagbagsak sa kabilang bracket.
Habang matapos manalo ni Kiamco laban kina Corey Deuel at Bustamante, minalas naman ito nang tuluyang masibak sa kontensiyon para sa $35,000 top prize na $139,600 na torneong ito.
Hindi nakaporma si Kiamco kay Ronnie Alcano bunga ng kanyang nakakadismayang 1-10 kabiguan sa winners bracket at hindi na rin ito nakaangat sa losers side nang pasadsarin naman ito ni Danny Hewitt, 4-10.
Matapos matalo kay Kiamco, isang malaking paghihiganti ang isinagawa ni Deuel nang kanyang pasadsarin sa ikatlong round si Andam sa iskor na 10-5 na kanyang sinundan ng 10-4 panalo laban kay Ramil Gallego.
Maghaharap naman sina James Rempe at Ronnie Alcano sa finals ng winners side.
Ang matatalo sa labanang ito ay makakalaban kung sino man ang mananalo sa pagitan nina Busta-mante at Hewitt sa one-loss bracket na siyang magde-determina ng maglalaban sa championship. (Ulat ni CVO)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest