^

PSN Palaro

Alaska umarangkada agad

-
Ipinaramdam ni Kenneth Duremdes ang kanyang galit laban sa kanyang dating koponang Alaska ngunit hindi nakumpleto ang kanyang paghihiganti matapos lasapin ng Sta. Lucia Realty ang 91-82 kabiguan sa Aces sa pagbubukas ng PBA Samsung All-Filipino Cup kagabi sa dinayong Araneta Coliseum.

Humataw si Duremdes sa second half sa paghakot ng 22 sa kanyang tinapos na 26 puntos ngunit hindi hinayaan ng Alaska na makuha ng "Captain Marbel" ang atensiyon.

Isang 12-1 run ang pinakawalan ng Alaska upang iposte ang pinaka-malaking kalamangan na 12-puntos, 89-77 na kanilang naging tuntungan sa tagumpay.

Nanguna si John Arigo para sa Aces sa kanyang itinalang 16-puntos matapos umiskor ng key baskets habang ang top draft pick na si Mike Cortez ay nagsumite ng 9 puntos sa likod ng 10 ng kapwa rookie na si Brandon Lee Cablay.

Ngunit pinuri ni Alaska coach Tim Cone ang newcomer na si Stephen Padilla. "He turned around the game for us scoring some big shots."

Nasayang din ang 21 puntos ni Dennis Espino gayundin ang 16 puntos ni Gerard Francisco.

Malakas ang simula ng Sta. Lucia nang kanilang iposte ang 9-puntos na kalamangan sa unang canto ngunit nakabawi ang Alaska sa ikalawang quarter upang agawin ang trangko sa 42-39 iskor sa halftime.

Sa tulong ni Padilla na umiskor ng tatlong sunod na tres naitabla ng Aces ang iskor sa 39-all.

Samantala, extrabagansang opening ceremonies ang ipinalabas ng PBA kung saan kinanta ni Vina Morales ang bagong PBA theme na "Ito Ang Game Ko."

Si PBA Chairman Jun Cabalan ang nagdeklara ng pormal na pagbubu-kas ng 29th season ng PBA matapos pumarada ang 10-teams mula sa lower box kasama ang kanilang naggagandahang muses.

Habang inaayos pa ang parallel broadcast, simulcast broadcast muna ang ginamit ng NBN-4 at IBC-13. (Ulat ni Carmela Ochoa)

ARANETA COLISEUM

BRANDON LEE CABLAY

CAPTAIN MARBEL

CARMELA OCHOA

CHAIRMAN JUN CABALAN

DENNIS ESPINO

GERARD FRANCISCO

ITO ANG GAME KO

JOHN ARIGO

KENNETH DUREMDES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with