Welcoat sinorpresa ng Montana
February 23, 2003 | 12:00am
Humatak ng malaking sorpresa ang tropa ni coach Bong Go na Montana Jewels ng 69-62 panalo kontra sa Challenge Cup champion Welcoat Paints kahapon sa PBL-RP US Goodwill Series sa Pasig Sports Center.
Trinangkuhan ni Gary David, naka-recover mula sa kanyang injury sa tuhod ang Jewelers sa kanyang 17 puntos na produksiyon at tatlong rebounds, habang nagbigay naman ng malaking suporta ang nagbabalik na si Dondon Mendoza nang kumana ito ng 12 puntos at walong rebounds.
Kontrolado ng Montana ang boards sa ipinosteng 42-34 bagamat nagsimula sila sa isang mabagal na laro sa 8-14 pagkakahuli sa opening frame, ngunit kumayod si Mendoza nang pangunahan niya ang isang malaking rally at itabla ang iskor sa halftime, sa 32-all matapos ang buzzer-beating jumper ni Christian Coronel.
Dama ng Paint Masters ang pagkawala nina Romel Adducul at Eddie Laure nang humina ang kanilang low post kung saan nagawa nilang makadikit ng hanggang sa 53-all matapos ang triples ni Ariel Capus sa 8:30 segundo ng final canto.
Isang tres ni Calijohn Orfrecio at jumper ni Paul Artadi ang naglapit sa Paint Masters sa 61-63 may 46.9 segundo ang nalalabi.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended