Ayon kay Dayrit, dapat munang pag-aralang mabuti ng PSC ang mga guidelines bago nila ito husgahan.
"I firmly believe that we should give these young athlete the chance to compete internationally, and the exposure they will get by the time we host the 2005 Games, it is a big help in our quest for the overall championship," ani Dayrit.
Tinawag ni PSC Chairman Eric Buhain na laidback ang criteria na itinakda ng Technical Committee na binubuo ng anim na kinatawan ng POC at apat na PSC officials kung saan si Steve Hontiveros ng bowling association ang chairman.
Nais ng PSC na magkaroon ng lean but mean delegation ngunit dahil sa ipapatupad na criteria ng Technical Commission, inaasahang mahigit 500 atleta ang inaasahang makakasama sa national team contingent.
"This is not what was agreed upon during our meeting with the POC Technical Commission chairman Steve Hontiveros and the chief de mission Julian Camacho regarding the selection of athletes," ani Buhain sa kanyang press release.