^

PSN Palaro

POC Technical Committee ipinagtanggol ni Dayrit sa PSC

-
Ipinagtanggol ni Philippine Olympic Committee (POC) president Celso Dayrit ang Technical Committee laban sa Philippine Sports Commission makaraang batikusin ng huli ang criteria ng naturang komisyon para sa pagpili ng atletang ipapadala sa Southeast Asian Games sa Vietnam sa Disyembre.

Ayon kay Dayrit, dapat munang pag-aralang mabuti ng PSC ang mga guidelines bago nila ito husgahan.

"I firmly believe that we should give these young athlete the chance to compete internationally, and the exposure they will get by the time we host the 2005 Games, it is a big help in our quest for the overall championship," ani Dayrit.

Tinawag ni PSC Chairman Eric Buhain na ‘laidback’ ang criteria na itinakda ng Technical Committee na binubuo ng anim na kinatawan ng POC at apat na PSC officials kung saan si Steve Hontiveros ng bowling association ang chairman.

Nais ng PSC na magkaroon ng ‘lean but mean’ delegation ngunit dahil sa ipapatupad na criteria ng Technical Commission, inaasahang mahigit 500 atleta ang inaasahang makakasama sa national team contingent.

"This is not what was agreed upon during our meeting with the POC Technical Commission chairman Steve Hontiveros and the chief de mission Julian Camacho regarding the selection of athletes," ani Buhain sa kanyang press release.

CELSO DAYRIT

CHAIRMAN ERIC BUHAIN

DAYRIT

JULIAN CAMACHO

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

SOUTHEAST ASIAN GAMES

STEVE HONTIVEROS

TECHNICAL COMMISSION

TECHNICAL COMMITTEE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with