Ang bakbakan ay sa ganap na alas-5:00 ng hapon.
Ang US Team na dumating kamakalawa ay binubuo ng mga mahuhusay na beterano at collegiate standouts sa pamumuno ni Brando Payton, ang 23 anyos na batang kapatid ni Seattle Super Sonics All-Star guard Gary Payton at sasamahan ng ilang kilalang pangalan sa Philippine Basketball.
Tiyak na masusubukan ang galing nina Ranidel de Ocampo, Bernzon Franco, Alwyn Espiritu at Rich Alvarez kontra sa mas malalaki at ekspereyensadong player na sina 610 Terrence Super at 68 Will Levy.
Makakasama sa US Team sina Maurice Brown, Alvin Stephenson Jr., Gary Di-Grazia, Nathaniel Gore at mga local reinforcement na sina Chris Mendoza, Kalani Fereria, VJ Santos at actor Carlos Morales.
Sa kabilang dako naman lalaro sa RP Team sina Richard Melencio, Wesley Gonzales, James Yap, Mike Bravo, Emmerson Oreta, Dennis Madrid, Ronald Allan Capati at Al Magpayo.
"Theyre (US Team) much bigger and more experienced. I believe the boys could learn a lot from them and the lessons will be essential to the training and preparation of the team for 3 major international tournaments were competiting this year," ani National coach Aric Del Rosario.
Bilang pampagana magsasalpukan naman ang Welcoat Paints at Montana Jewel sa alas-3 ng hapon.