^

PSN Palaro

RP-US Goodwill series simula ngayon

-
Ang pinakamalaking pagsubok sa RP National Pool ay sisimulan ngayon sa kanilang pakikipagharap sa US Team sa pagsisimula ng PBL-RP-US Goodwill Series sa Pasig Sports Center.

Ang bakbakan ay sa ganap na alas-5:00 ng hapon.

Ang US Team na dumating kamakalawa ay binubuo ng mga mahuhusay na beterano at collegiate standouts sa pamumuno ni Brando Payton, ang 23 anyos na batang kapatid ni Seattle Super Sonics All-Star guard Gary Payton at sasamahan ng ilang kilalang pangalan sa Philippine Basketball.

Tiyak na masusubukan ang galing nina Ranidel de Ocampo, Bernzon Franco, Alwyn Espiritu at Rich Alvarez kontra sa mas malalaki at ekspereyensadong player na sina 6’10 Terrence Super at 6’8 Will Levy.

Makakasama sa US Team sina Maurice Brown, Alvin Stephenson Jr., Gary Di-Grazia, Nathaniel Gore at mga local reinforcement na sina Chris Mendoza, Kalani Fereria, VJ Santos at actor Carlos Morales.

Sa kabilang dako naman lalaro sa RP Team sina Richard Melencio, Wesley Gonzales, James Yap, Mike Bravo, Emmerson Oreta, Dennis Madrid, Ronald Allan Capati at Al Magpayo.

"They’re (US Team) much bigger and more experienced. I believe the boys could learn a lot from them and the lessons will be essential to the training and preparation of the team for 3 major international tournaments we’re competiting this year," ani National coach Aric Del Rosario.

Bilang pampagana magsasalpukan naman ang Welcoat Paints at Montana Jewel sa alas-3 ng hapon.

vuukle comment

AL MAGPAYO

ALVIN STEPHENSON JR.

ALWYN ESPIRITU

ARIC DEL ROSARIO

BERNZON FRANCO

BRANDO PAYTON

CARLOS MORALES

CHRIS MENDOZA

DENNIS MADRID

EMMERSON ORETA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with