^

PSN Palaro

Torion, David ipinatawag ng PBA Commissioner's Office

-
Siguradong mabigat na kaparusahan ang tatanggapin nina Jimwell Torion ng Batang Red Bull at Bal David ng Barangay Ginebra matapos magsuntukan sa kanilang tune-up game sa Greenmeadows gym noong Huwebes.

Ito ang pahayag ni Philippine Basketball Association Commissioner Noli Eala na panauhin sa SCOOP sa Kamayan weekly session sa West Ave. sa Quezon City kahapon.

Ayon kay Eala, na kasamang panauhin sina PBA Chairman Jun Cabalan at vice-chairman Buddy Encarnado na pinanood na nito ang tape ng laro at kailangan na lamang nitong dinggin ang paliwanag ng dalawang player bago magsagawa ng desisyon.

Nakatakdang humarap sina Torion at David ngayong umaga kay Eala sa PBA Commissioner’s Office.

"I will again review the whole tape this afternoon to fine out if there were provocations in order to decide the extent of punishment I will impose," wika ni Eala.

Sa laban na ini-request ng kampo ng Ginebra at hindi bahagi ng pre-season tune-up series ng PBA, sinuntok ni Torion si David matapos itong ilang beses masiko ng huli.

Dahil dito, sinabi ni Eala na posibleng bigyan niya ang mga ito ng suspensiyon bukod pa sa malaking multa.

Inihayag din ni Eala na si Roberto Puno, anak ng dating justice Ricardo Puno at kapatid ng journalist na si Dong Puno, ang bagong marketing director ng PBA.

vuukle comment

BAL DAVID

BARANGAY GINEBRA

BATANG RED BULL

BUDDY ENCARNADO

CHAIRMAN JUN CABALAN

DONG PUNO

EALA

JIMWELL TORION

PHILIPPINE BASKETBALL ASSOCIATION COMMISSIONER NOLI EALA

QUEZON CITY

RICARDO PUNO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with