Ito ang ikalawang upset na itinala ni Kiamco matapos nitong dispatsahin ang pambatong cue artist ng USA na si Corey Deuel sa pamamagitan ng 10-4 panalo sa ikalawang round.
Makakalaban ni Kiamco sa ikaapat na round ng winners bracket si Ronnie Alcano na namayani naman laban kay Jimmy Wetch, 10-6.
Umusad din sa susunod na round si Efren Bata Reyes nang kanyang dispatsahin si Troy Frank, 10-2 na nagtakda ng kanyang pakikipagharap kay David Hemma.
Tinalo ni Hemma si Fabio Petroni, 10-9.
Bukod kay Bustamante, hindi rin pinalad ang isa pang Pinoy na si Ramil Gallego na di nakaporma kay Dee Adkins, 1-10 sanhi ng kanilang pagbagsak sa one-loss bracket.
Makaraang malasap ang unang pagkatalo, sinimulan naman nina Jose Amang Parica, Leonardo Andam at Rodolfo Luat ang kanilang pagbangon sa losers bracket.
Tinalo ni Parica si Jim Hill, 10-3, pinabagsak naman ni Andam si Derek Pogirski, 10-2 at dinispatsa ni Luat si Tim Murray, 10-4.
Ang panalo ni Andam ang nagtakda ng kanyang pakikipaglaban kay Deuel.
Susunod na makakalaban ni Parica si Larry Nevel na tumalo kay Joe Wolf, 10-2 habang makakasagupa naman ni Luat si Ian Costello na nanaig naman kay Russel Parcons, 10-8. (Ulat ni Carmela Ochoa)