^

PSN Palaro

Kahit may giyera sa Mindanao tuloy ang Palarong Pambansa

-
Hindi mapipigilan ng giyera ang pagtatanghal ng Palarong Pambansa sa Tubod, Lanao, del Norte sa Mayo ngunit baka sa budget mag-kaproblema.

Ito ang sinabi ni Rolando Brillantes, miyembro ng Management Committee (ManCom) ng Palaro at director ng Bureau of Physical Education and School Sports (BPESS).

"As far as DepEd is concerned, the Palarong Pambansa will push through as scheduled" pahayag ni Brillantes.

"But the budget to cover operational expenses by some 8,000 athletes, coaches, trainers and technical personel is still uncertain."

Humingi ang Lanao ng P46 milyong budget para sa pagtatanghal ng naturang Palaro.

Nakatakdang magpulong ngayon ang ManCom at ang panig ng mga Dimaporos sa Tubod upang isaayos na ang lahat.

Bagamat mainit na-man ngayon ang labanan ng mga rebelde at military sa Mindanao, sinabi ni Brillantes na titiyakin nila ang segu-ridad ng mga partisi-pante

"We just hope and pray that the recent conflicts in Pikit and nearby provinces will not escalate because the Pala-rong Pambansa is just around the corner," wika naman ni PSC Commissioner William Ramirez. (Ulat ni Carmela Ochoa)

BRILLANTES

BUREAU OF PHYSICAL EDUCATION AND SCHOOL SPORTS

CARMELA OCHOA

COMMISSIONER WILLIAM RAMIREZ

LANAO

MANAGEMENT COMMITTEE

PALARO

PALARONG PAMBANSA

ROLANDO BRILLANTES

TUBOD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with