^

PSN Palaro

Kiamco sinorpresa si Deuel

-
Umusad sa ikatlong round ng winners bracket sina Efren Bata Reyes at Francisco ‘Django’ Bustamante sa ikalawang round ng Ten Ball Challenge sa Trump Marina sa malamig na Atlantic City, New Jersey ngunit ang tagumpay ni Warren Kiamco ang naging matunog sa torneo.

Ginulantang ni Kiamco, nagkaloob ng silver medal sa Philippines sa Asian Games noong nakaraang taon, ang pambatong cue artists ng USA na si Corey Deuel, 10-4.

Magkaibang panalo naman ang ipinoste nina Reyes at Bustamante upang samahan si Kiamco sa susunod na round kasama ang isa pang Pinoy bet na si Ramil Gallego.

Makaraang maka-bye sa unang round, naging magaan ang panalo si Reyes laban kay Tony Rodriguez habang dumaan muna sa butas ng karayom si Bustamante upang pabagsakin ang kanyang kababayang si Leonardo Andam, 10-9 para sa kanyang ikalawang panalo.

Hindi rin naging madali ang tagumpay para kay Gallego na nakaungos kay Allen Hopkins, 10-9.

Susunod na makakalaban ni Reyes si Troy Frank na sumilat naman sa bigating cue artists na si Mike Lebron, 10-2 sa ikatlong round.

Ang magkababayang sina Bustamante at Kiamco ang susunod na magsasagupa habang haharapin naman ni Gallego si Dee Adkins na nanalo kay Claude Bernatchez, 10-4.

Nalaglag naman sa one-loss bracket sina Rodolfo Luat at Jose ‘Amang’ Parica matapos mabigo sa kanilang first round matches.

Bumagsak si Luat laban kay Jose Garcia, 9-10 habang natalo naman si Parica kay Evegeny Stalev, 10-6.

vuukle comment

ALLEN HOPKINS

ASIAN GAMES

ATLANTIC CITY

BUSTAMANTE

CLAUDE BERNATCHEZ

COREY DEUEL

DEE ADKINS

EFREN BATA REYES

KIAMCO

REYES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with