^

PSN Palaro

Bustamante nagsimula ng tumumbok

-
Sinimulan ni Francisco ‘Dyanggo’ Bustamante ang kanyang kampanya sa 10-Ball Challenge sa pamamagitan ng 10-5 panalo laban kay Giuseppe Cappelletti sa pagbubukas ng 10-Ball Challenge sa Atlantic City sa New Jersey.

Nalinis ni Bustamante ang ilang mesa ng ilang sunod na racks ang laban upang ipakita na may ibubuga din ito sa 10-ball competition.

Di tulad ni Bustamante, ang kanyang kababa-yang si Efren Bata Reyes ay naka-bye sa unang round. Bukod sa no. 1 cue artist ng bansa, sa ikalawang round pa mapapasabak ang iba pang Pinoy bets na sina Warren Kiamco at Leonardo ‘Dodong’ Andam.

"Hindi ako nakabye sa first round pero maganda na rin siguro ang nangyari para makapag-practice ako para sa susunod na kalaban," ani Bustamante.

Naka-bye din sina Nick Varner at Ralf Soquet.

Makakalaban ni Bustamante si Andam sa susunod na round sa kompetisyong ito kung saan nakataya ang kabuuang $139,000 na cash prize.

Isang mini tournament naman ang pinanguna-han ni Reyes bilang preparasyon sa 10-ball competition na ito.

Naudlot ang pagsisimula ng competisyon dahil sa snow storm kaya’t nag-organisa ng mini tournament kung saan ang $400 na premyo ay naibulsa ni Reyes.

vuukle comment

ANDAM

ATLANTIC CITY

BALL CHALLENGE

BUSTAMANTE

EFREN BATA REYES

GIUSEPPE CAPPELLETTI

NEW JERSEY

NICK VARNER

RALF SOQUET

REYES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with