^

PSN Palaro

Nakasalalay sa rekomendasyon ng NSA's

-
Nakasalalay sa senseridad at tapat na rekomendasyon ng National Sports Associations sa pagpili ng mga atletang isasabak sa Southeast Asian Games na gaganapin sa Vietnam sa Disyembre.

Ipinaubaya ng Technical Committee ng Philippine Olympic Committee (POC) at Philippine Sports Commission (PSC) sa mga NSAs ang pagbibigay ng criteria sa isasagawang qualifying events para sa kanilang irerekomendang atleta sa pambansang koponan.

Maaaring irekomenda ng NSAs hindi lamang ang mga atletang may potensiyal na maka-silver o gold sa Vietnam kundi maaari din nilang bigyan ng pagkakataon ang mga atletang may potensiyal sa 2005 SEAG na gaganapin dito sa bansa.

"We kept on emphasizing to the NSAs that they should be honest enough in their recommendations," pahayag ni POC Chairman Steve Hontiveros.

Dati-rati pinagbabasehan ang nakaraang performance ng mga atleta sa SEAG para makasama sa national team bukod pa sa qualifying events.

Isa-isang pupulungin ng POC ang mga NSA simula sa Pebrero 26 hanggang Marso 10 upang makakuha ng impormasyon.

Inaasahan ng POC na imaibibigay sa kanila ng mga NSA ang kanilang training schedules, budget, athletes line-up at ang mga events na sasalihan.

Ipinaliwanag ni Hontiveros na kailangang nasa Southeast Asian Games standard ang ipapasang criteria ng mga NSAs.

Ang bansa ay lalahok sa 28 mula sa 34 events kung saan may pag-asa sa 408 mula sa 439 golds na paglalabanan sa Vietnam Games kung saan ang mga events ay gaganapin sa Hanoi at Ho Chi Min. (Ulat ni Carmela Ochoa)

CARMELA OCHOA

CHAIRMAN STEVE HONTIVEROS

HO CHI MIN

NATIONAL SPORTS ASSOCIATIONS

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

SOUTHEAST ASIAN GAMES

TECHNICAL COMMITTEE

VIETNAM GAMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with