Nakatakda sanang dumating ngayon ang USA team na pangungu-nahan ni Brando Payton, ang 23-anyos na nakakabatang kapatid ni Seattle SuperSonics All-Star guard Gary Payton. Ngunit dahil sa nasabing masamang lagay ng panahon nagsara ang lahat ng major airports kahapon na nagpuwersa sa US team na muling itakda ang kanilang pagdating sa Peb. 20.
Si Payton ay sasamahan ng 64 na si Maurice Brown, 63 Alvin Stephenon Jr., 60 Gary DiGrazia, 65 Nathaniel Gore, 68 Will Levy at 610 Terrence Super.
Ang iba pang kasama sa US Team ay ang mga MBA vetetrans Chris Mendoza, Kalani Fereria, VJ Santos at actor Carlos Morales.
Hindi pa napapangalanan ni RP team coach Aric del Rosario ang final na listahan ng bubuo sa koponan na lalahok sa tatlong major international tournaments ngayong taon--ang Southeast Asian Basketball Association (SEABA), Mens Championship sa Abril, Asian Basketball Confederation (ABC) Mens Championship sa September at SEA Games sa Vietnam ngayong Disyembre.
Ang unang dadayuhin ng RP-US Goodwill Exhibition Series ang Pasig Sports Center kung saan nakatakda ang kanilang sagupaan sa alas-5 ng hapon at magkakaroon ng tune-up game sa pagitan ng Welcoat Paints at Montana Jewels sa alas-3 ng hapon.