Panahon na
February 18, 2003 | 12:00am
Siguro, talagang panahon na para magtayo ng sariling coliseum ang PBA.
Iba kasi ang dating kapag may sariling bahay ka na.
Parang sa tao, kapag may sariling bahay ka na eh masaya ka at parang kumpleto na ang buhay mo.
Kaya sa PBA kahit siguro gaano ka-successful sila kung wala silang sariling bahay ay malaking kakulangan.
Unang inirekomenda ito noong panahon ni founding commissioner Leo Prieto.
Pero siguro noong panahon na yun ay hindi pa puwede.
Hanggang sa bago nagretiro si Jun Bernardino ito pa rin ang laging ipinaglalaban o isinasangguni ng karamihan lalo na tuwing magsisimula ang PBA season.
Kasi ba naman, nagkakaroon lagi ng problema.
Noon akala ng marami ang Cuneta Astrodome na ang magiging permanenteng tahanan ng PBA.
Hindi rin nagtagal ay nagkaroon ng pagbabago sa management ng Cuneta hanggang sa iniwan din ito ng PBA dahil sa mga ilang problema.
Kamakailan lang, habang handa na ang lahat para sa 2003 PBA Season ay sumingaw naman ang problema sa Araneta Coliseum at sa PBA.
Tumanggap ng backdoor advertisement ang Big Dome sa Beam Toothpaste kung saan ang logo ng naturang toothpaste ay ipininta sa mismong playing court at sa ibat ibang lugar na kitang-kita sa television tuwing magkakaroon ng games.
At hindi ito nagustuhan ng PBA.
Kaya hayun, ang resulta, iniwan na rin ng PBA ang Big Dome.
Sayang malaki ang seating capacity ng Araneta Coliseum pero dahil dito, sino ang nawalan?
Anyway kung magpapatayo na talaga ng sariling coliseum ang PBA, eh hindi naman sila malulugi.
Kasi kung walang PBA maaari silang tumanggap ng mga concerts at iba pang shows para sa ibang pagkukunan ng income.
Eh dito pa naman sa Pinas eh napakahilig magpunta ng mga international artists para mag-perform so hindi problema yun kung PBA off-season.
Di ba?
May nakita na raw lupa ang PBA at kanilang pupuntahan for inspection.
Sana naman hindi gaanong malayo ang pagtatayuan ng kanilang coliseum.
Isipin din nila yung mga manonood.
Dapat yung accessible sa mga sasakyan para madaling mapuntahan at may malaking parking para naman sa may mga sasakyan.
Okay lang na medyo malayo pero yung maraming sasakyan. Yun bang hindi mahihirapan ang mga manonood mula sa north, south east at west.
Sey nyo?
Personal: Happy birthday sa aking anak na si Leslie Jylle ngayong araw na ito. Happy birthday din sa PSN advertising manager na si Bonnie Lachica, sa aking inaanak na si Melanie Enriquez at kay Ella Mae Madla ( Feb. 18), kay Sarah Mae Adriano (Feb. 23) at kay Jay-ar Adriano (Feb. 24).
Iba kasi ang dating kapag may sariling bahay ka na.
Parang sa tao, kapag may sariling bahay ka na eh masaya ka at parang kumpleto na ang buhay mo.
Kaya sa PBA kahit siguro gaano ka-successful sila kung wala silang sariling bahay ay malaking kakulangan.
Unang inirekomenda ito noong panahon ni founding commissioner Leo Prieto.
Pero siguro noong panahon na yun ay hindi pa puwede.
Hanggang sa bago nagretiro si Jun Bernardino ito pa rin ang laging ipinaglalaban o isinasangguni ng karamihan lalo na tuwing magsisimula ang PBA season.
Kasi ba naman, nagkakaroon lagi ng problema.
Noon akala ng marami ang Cuneta Astrodome na ang magiging permanenteng tahanan ng PBA.
Hindi rin nagtagal ay nagkaroon ng pagbabago sa management ng Cuneta hanggang sa iniwan din ito ng PBA dahil sa mga ilang problema.
Kamakailan lang, habang handa na ang lahat para sa 2003 PBA Season ay sumingaw naman ang problema sa Araneta Coliseum at sa PBA.
Tumanggap ng backdoor advertisement ang Big Dome sa Beam Toothpaste kung saan ang logo ng naturang toothpaste ay ipininta sa mismong playing court at sa ibat ibang lugar na kitang-kita sa television tuwing magkakaroon ng games.
At hindi ito nagustuhan ng PBA.
Kaya hayun, ang resulta, iniwan na rin ng PBA ang Big Dome.
Sayang malaki ang seating capacity ng Araneta Coliseum pero dahil dito, sino ang nawalan?
Anyway kung magpapatayo na talaga ng sariling coliseum ang PBA, eh hindi naman sila malulugi.
Kasi kung walang PBA maaari silang tumanggap ng mga concerts at iba pang shows para sa ibang pagkukunan ng income.
Eh dito pa naman sa Pinas eh napakahilig magpunta ng mga international artists para mag-perform so hindi problema yun kung PBA off-season.
Di ba?
May nakita na raw lupa ang PBA at kanilang pupuntahan for inspection.
Sana naman hindi gaanong malayo ang pagtatayuan ng kanilang coliseum.
Isipin din nila yung mga manonood.
Dapat yung accessible sa mga sasakyan para madaling mapuntahan at may malaking parking para naman sa may mga sasakyan.
Okay lang na medyo malayo pero yung maraming sasakyan. Yun bang hindi mahihirapan ang mga manonood mula sa north, south east at west.
Sey nyo?
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended