Dinomina ng Red Booters, tailender noong nakaraang season, ngunit gumawa ng malaking sorpresa ng maging finalists ngayong taon ang double-round eliminations sa pagposte ng kanilang limang panalo, isang talo at apat na draws, ang record na nagbigay sa kanila ng twice-to-beat advantage kontra sa defending champion University of the Philippines (UP) sa finals.
Sa kabilang dako, nahatak ng De La Salle ang kanilang laro ng University of Santo Tomas (UST) sa 0-0 draw na nagbigay rin sa kanila ng twice-to-beat advantage kontra sa UST sa kanilang tunggalian para sa womens crown.
Binanderahan ng Lady Archers ang womens eliminations sa kanilang 6-2-0 win-loss-draw record, habang nag-poste naman ang UST ng 5-2-1 record na naghatid sa kanila sa championship round.
Umusad ang UP, ang nagtatanggol na kampeon sa mens division sa finals matapos na itarak ang 2-1 pagwawagi kontra sa Ateneo sa pagtiklop ng eliminations sa balwarte ng Blue Eagles sa Katipunan field noong Linggo.
Pumangalawa naman ang Maroons sa likod ng Red Booters na may 5-2-3 record.
Nakatakda ang mens final sa alas-3 ng hapon sa Linggo (Peb. 23) sa Ateneo field, habang maghaharap ang De La Salle at UST sa ala-1 ng hapon.
Sa iba pang laro sa womens side, tinalo ng UP ang host Ateneo, 2-0 upang maningning na isara ang kanilang kampanya sa eliminations.