^

PSN Palaro

All the best kay Ryan Gregorio

FREE THROWS - FREE THROWS ni AC Zaldivara -
NATURAL na maging excited si Paul Ryan Gregorio dahil sa siya na ngayon officially ang head coach ng Purefoods Tender Juicy Hotdogs. Napromote siya noong isang linggo matapos namang ilipat si Eric Altamirano sa Countryside Basketball Development Program ng San Miguel Corporation na pangangasiwaan niya.

Sa tutoo lang, wala namang ibang puwedeng pumalit kay Altamirano kundi si Gregorio. At tama lang ang ginawa ng pamunuan ng Purefoods. Parang reward na ito kay Gregorio na naghatid sa Hotdogs sa kampeonato ng 2002 Governors Cup nang naging interim head coach dahil sa nag-leave si Altamirano upang maging assistant coach naman ng Philippine Team.

Pero kung excited si Gregorio, tiyak na mas malaki ang pressure sa kanyang balikat ngayon. Kailangang patunayan niya na kaya niyang mag-isa.

Iba kasi ang katayuan niya sa Purefodos noong isang taon. Assistant coach lang siya na gumagawa ng kanyang trabaho dahil sa wala ang kanilang head coach. Kumbaga, kahit na ano ang mangyari sa team, hindi siya puwedeng sisihin nang buong-buo. Manalo o matalo, hindi siya puwedeng masisi. Sapat na yung masabi na naibigay niya nang buong-buo ang dapat niyang ibigay.

Kaya nga nang magkampeon ang Hotdogs sa 2002 Governors Cup ay hindi naman sinolo ni Gregorio ang karangalan, eh. Sinabi niya na koponan naman ni Altamirano ang Purefoods. Sinabi niya na sistema pa rin naman ni Altamirano ang kanyang ginamit. So, kumbaga, hinati rin niya ang karangalang natamo niya. Na siya namang dapat!

So nakatulong kay Gregorio ang pangyayaring assistant lang siya noon.

Kasi, kaunti lang ang pressure at buong-buo ang kanyang konsentrasyon.

Marami ring nagsasabing kaya naman nagkampeon ang Hotdogs ay dahil sa mayroon silang matinding import sa katauhan ni Derick Brown. Aminado din si Gregorio sa katoto-hanang ito.

Ngayon nga ay head coach na si Gregorio. Siya na ang may hawak ng renda. Siya na ang puwedeng sisihin. Hindi namin alam kung magiging buo pa rin ang kanyang konsentrasyon kapag umaapaw na ang pressure sa kanyang katauhan.

At tandaan natin na All-Filipino Cup ang unang torneo ng 29th PBA season. Walang Derick Brown na puwedeng masandigan ang Hotdogs. Kaya naman lalong tumindi ang challenge kay Gregorio.

Pero dahil sa nais niyang patunayan na hindi naman tsamba ang kanyang nagawa noong isang taon, tiyak na buhos na buhos ang lahat ng galing ni Gregorio sa kanyang bagong katungkulan.

Oops, heto nga pala ang siste. Si Gregorio ay naging co-Coach of the Year awardee ng PBA Press Corps kahit na assistant coach lang siya. Kasali ba iyon sa bilang kung ang hahabulin niya ay ang perpetual Baby Dalupan Trophy na ibinibigay sa isang tao na nagwagi bilang Coach of the Year sa loob ng tatlong sunud-sunod na taon?

O magsisimula siya ulit?

ALL-FILIPINO CUP

ALTAMIRANO

BABY DALUPAN TROPHY

COACH

COACH OF THE YEAR

GOVERNORS CUP

GREGORIO

KANYANG

NIYA

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with