Ito ang planong pang-internasyunal para sa 2003 ng National Archery Association of the Philippines ayon kay NAAP secretary general-treasurer Ligaya Manalang.
May apat na yugto ang Asian Grand Prix Tournaments kabilang ang unang yugto na katatapos lamang sa Thailand na susundan ng Japan leg sa Mayo 1-5; 5th Korea International Archery Tournament at Bhuthan leg sa Agosto o Setyembre.
Nariyan din ang World Target Outdoor Archery championships sa New York sa Hulyo, 13th Asian Archery championships sa Myanmar sa Nobyembre na parehong qualifying para sa 2004 Olympics.
Lalahok din ang bansa sa National Archery Association-USA Target championships sa Pennsylvania sa Hulyo 28-Agosto 1; Summer Universiades sa Agosto 24-31 sa South Korea at Athens Olympics Test Tournament sa Agosto.
Ihahayag pa ng Asian Archery Federation ang pagdarausan ng 5th Asian Archery coaching seminar and Workshop at Asian Compound Archery Coaching seminar.