PBA coaches guest sa PSA

Ang sampung Philippine Basketball Association (PBA) coaches sa pangunguna ni Chot Reyes ng defending champion Coca-Cola ang panauhin para sa PSA Forum sa Holiday Inn.

Inaasahang makakasama ni Reyes sa public sports program na ito na sponsored ng Agfa, Red Bull at Pioneer Insurance sina Jong Uichico ng San Miguel, Yeng Guiao ng Red Bull, Alfrancis Chua ng Sta. Lucia, Paul Woolpert ng Talk ‘N Text, Tim Cone ng Alaska, Allan Caidic ng Ginebra, Derrick Pumaren ng FedEx, Perry Ronquillo ng Shell at Ryan Gregorio, ang bagong coach ng Purefoods.

Inimbitahan din sa pang-alas-10:30 ng umagang programa ang mga bagong opisyal ng Philippine Amateur Volleyball Association (PAVA) sa pangunguna ng presidenteng si Roger Bersuelas, chairman Bro. Rolly Dizon at Jake Uichico bilang secretary-general.

Show comments