Tinalo ni Ortiz si Leong Yoke Sim ng Singapore sa womens individual compound upang masundan ang kanyang naunang gold sa womens individual compound sa qualification round.
Napana rin ni Raul Arambulo ang kanyang ikalawang medalya nang maka-bronze ito sa mens individual compound kasabay ng pagtatala ng dalawang RP record at pagbura sa Asian record.
Sariwa pa sa silver medal sa mens compound qualifying, ang 659 puntos sa 70 meters ni Arambulo ang bumura sa 615 ni Clint Sayo noong 2000 at ang kanyang 173 markers sa 18 arrows elimination match na tubong Maynila ay tumaklob din sa 166 ni Benjamin Earl Yap na nailista noong 2001 sa Hongkong.
Naka-bronze naman ang mens recurve team na binubuo nina Christian Cubilla, Marvin Cordero, Arnold Rojas upang lukuban ang pagkatalo sa mens individual event gayundin ang kabiguan ng kanilang mga kasamahang kababaihan na sina Rachell Ann Cabral at Jennifer Chan na kalahok lang sa womens individual recurve at sina Bernard Yap at Jed Santiago Roa sa mens individual compound.