SLR juniors laglag sa Junior Pals
February 16, 2003 | 12:00am
Nagdeliber ang incoming Mapua rookie na si Hermes Sumalinog ng killer blows sa ikatlong quarter nang pasad-sarin ng Talk N Text-National Youth Pool A ang Sta. Lucia-CUSA, 87-78 noong Biyernes sa unang Bert Lina-Six Feet and Above Junior Basketball Cup sa UST Gym.
Nagtala lamang si Sumalinog ng pitong puntos kabilang ang isa sa kanyang dalawang triples nang kanilang pagtulungan ni Darryl Mendoza ang 12-6 run para ihatid ang walang talong Junior Phone Pals sa semifinal round sa pamamagitan ng kanilang ikaapat na sunod na panalo.
Pinanatili ng Junior Phone Pals ang kanilang composure sa final quarter at sa pamamagitan ng defensive plays mula kina Kevin Astorga, Edwin Asoro at Jonathan Fernandez hindi na nakalapit pa ang Junior Realtors.
Pinangunahan nina Fernandez at Mendoza ang Pals sa kanilang 15 at 13 puntos ayon sa pagkakasunod habang sina Astorga, Mendoza at Michael Galinato ay may tig-10 puntos sa Air-21 supported 18-under tournament na ito na proyekto ni Bert Lina.
Nakalapit naman ang Coca-Cola National Pool C sa ikalawang semis slot nang kanilang pabagsakin ang Shell-UCAA, 84-60 sa pamumuno ni Jay Agbayani na may game-high na 23-puntos.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended