Titulo ng MCA Amateur League ipagtatanggol ng Bataan team

Idedepensa ng team Bataan ni Gov. Leonardo Ding Roman ang kanilang titulo sa nalalapit na Metropolitan Chess Association (MCA) Amateur League first quarter na bubuksan sa alas-9 ng umaga sa Peb. 22-23 sa Lotus Garden Hotel sa Malate, Manila.

Kabilang sa mga bagong miyembro sina Truman Hernaez at Ricardo Briones kasama si Allan Macalaang natatanging carryover noong nakaraang taong champion team.

Inaasahang magbibigay ng mahigpit na hamon sa Team Bataan ang runner-up Team Marikina A ni Councilor Boy Santos, CMI Realty Corp., CDO-Mindanao, DAR, Dasmariñas ni Mayor Elpidio Bargaza Jr., Mandaluyong, Team Marikina B ni Engr., Malabiga at PCSO.

Hanggang Miyerkules na lamang ang itinakdang araw para magsumite ng lahok, Peb. 19. Ang mga entries ay maaaring isumite sa mga sumusunod na registration centers: J and F Divino Bldg., sa Aurora Blvd., Quezon City; Rizal Memorial Sports Complex sa Adriatico St., Manila at MCC Parañaque office o kaya ay tumawag sa 826-8560, 0916-8521069 at 0918-9393702.

Show comments