RP vs China naudlot
February 15, 2003 | 12:00am
WUHAN, China Naudlot na naman ang pagsasagupa ng Philippines at host China para sa Asia-Oceania Zone Group II Davis Cup first round tie dahil sa walang tigil na pag-ambon mula pa noong Huwebes.
Ayon sa Wuhan Tennis Center, hindi pa rin mapapaglaruan ang ourtdoor courts kayat napuwersa ang mga organizers na muling kanselahin ang unang dalawang singles matches sa best-of-five matches tie.
"If the weather does not improve, the prospect of staying here until Monday or Tuesday looms and this will pose another problem for us," wika ni non-playing captain Johnny Jose dahil naka-book ang Team Philippines sa Lunes pabalik ng Manila.
Kung hindi ililipat sa indoor court ang event at hindi pa rin gaganda ang panahon, mapipilitang mag-laro ng tatlong matches bukas.
Nakansela ang laban nina Johnny Arcilla at Chinese-No 2 Zhu gayundin ang laban nina Joseph Victorino at Zheng.
Ito ay paglalabanan pagkatapos ng doubles matches kung saan nakatakdang humarap ang tambalan nina Michael Mora at Rolando Ruel kina Zheng at Xu Ran.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am