^

PSN Palaro

Sana matapos na ang senate hearing

TAKE IT TAKE IT! - Nap Gutierrez -
Nagkaroon na naman ng hearing kahapon sa Senado patungkol sa imbestigasyon nila sa mga fake Fil-Ams.

Sana’y matapos na ito bago mag-umpisa ang 2003 PBA season sa February 23.

Baka mamaya, makapaglaro na naman sa liga ang mga di dapat makapaglaro.

Ang mga local players naman na nangunguna sa kampanyang ito eh hindi naman magpapakita ng ganitong klaseng laban kung hindi sila sigurado na tutuo ngang mga peke ang ilang Fil-Ams na nakapaglaro sa PBA last year.

Pag hindi pa natapos ang kanilang Senate inquiry and investigation this month, malamang na malamang na makakalaro na naman ang mga pekeng Fil-Ams na yan.
* * *
Pasok na ang Nutrilicious sa PBL.

Mabuti naman.

This comes at a time na nalagasan ang liga ng dalawang miyembro--ang Shark Energy Drink at Sunkist Pampanga. Hindi na muna sila sasali sa PBL. Wala pa rin namang balita kung magrere-activate ang Ana Freezers na nag-leave of absence last year.

Although nagpasabi na ang San Miguel Corporation na sila’y maglalagay ng team sa PBL, wala pa namang formal announcement na ginagawa tungkol dito.
* * *
Pinaghahandaan na ngayon ni Ali Atienza ang Manila Youth Games 2003.

Last year eh inumpisahan nilang gawin ito dahil naging isang malaking tagumpay, napag-desisyunan nilang gawin ulit this year.

16 events pala ang sasalihan ng mga kabataan na magmumula sa mga barangays at eskuwelahan sa Manila.

"This is intended to get to the grassroots and develop the youths. Alam naman natin na napakaraming kabataan ang untapped talents. Hangga’t di sila nage-expose sa ganitong klase ng competition, hindi sila madi-discover. And we aim to get just that--the best players from the grassroots," sabi ni Ali na siyang may hawak ng sports projects sa Manila. Talaga namang todo ang ginagawang pagtulong nitong si Ali sa kanyang amang si Mayor Lito Atienza basta rin lang para sa kabataan ng Manila.

Ayon kay Ronnie Rolle, sports director ng Manila,"kabilang sa mga paglalabanan ay volleyball, athletics, badminton, taekwondo, swimming at mayroon ding cheerleaders competition. Siguradong libu-libong kabataan ang mai-involved sa mga laro at sabi nga ni Ali, we hope to get the best from all these youths na sasali sa Manila Youth Games."

Nakakatuwa namang malaman na may ganitong klase ng mga proyekto na naglalayong makatulong sa mga kabataan para tuluyan na rin silang mailayo sa mga masasamang bisyo at magkaroon ng ibang pinagkaka-abalahan sa buhay.

Sa April 6 na ito mag-uumpisa at nangako kami kay Ali na nakahanda ang aming kolum dito sa Pilipino Star Ngayon na tumulong sa anumang information o bulletin na gusto nilang ipahatid para sa mga kabataan ng Manila.
* * *
Sunod-sunod na ang guestings ng mga PBA players sa mga program ng Channel 2 at Channel 7.

Kaya wag kayong magugulat kung makikita ninyo ang mga favorite basketball players nyo na umarte sa mga sitcoms sa TV.

Nakakatuwa pero alam nyo bang kahit na medyo mahiyain yung mga players, nagi-enjoy na rin naman sila basta masubukan na rin nila ang umarte before the cameras.

At yung iba sa kanila eh puwedeng-puwede na talagang mag-showbiz. At least, may trabaho na naghihintay sa kanila kapag nawala na sila sa PBA.

Kita mo nga si Benjie Paras, habang di pa siya puwedeng maglaro, mabuti’t may iba siyang hanapbuhay at yan ay ang kanyang pagiging komedyante.

ALI

ALI ATIENZA

ANA FREEZERS

BENJIE PARAS

FIL-AMS

MANILA

MANILA YOUTH GAMES

NAMAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with