San Mig Light mountain bikefest
February 14, 2003 | 12:00am
Iniimbitahan ng San Mig Light sa kooperasyon ng adventure sports group Team Montalban ang lahat ng outdoor cycling enthusiasts upang maranasan ang kakaibang mountain bike competition sa Pebrero 15, 16, 2003.
Ang baku-bakong akyatin ng Sierra Madre mountain range sa Barrio Maarat, San Mateo, Rizal ang siyang magiging venue ng one-of-a-kind mountain bike team relay race na tatagal ng 24 oras, non-stop. Ang sinumang team riders na makakaikot ng mas maraming laps sa palibot ng limang kilometrong course pabalik sa base camp ang siyang mananalo.
Ang mga riders ay tatahak sa ibat-ibang tipo ng daanan na karamihan ay konkreto at aspalto patungo sa di magandang daan, tatawid sa ilog at technical single-track trails. Magsisimula ang nasabing karera sa alas-12 ng tanghali sa Sabado (Feb. 15) at mag-tatapos sa alas-12 rin ng tanghali sa araw ng Linggo (Feb. 16) na mayroong pasta party at award ceremony.
Ang base camp ang siya ring magiging venue para sa 24 oras na hostilidad. Ang iba pang aktibidades ay ang bicycle stunt competitions, exhibits, film showing at campfire sa gabi para sa mga riders, kalahok at panauhin na hatid ng Coca-Cola, Rudy Project, San Remo Pasta, Clara Ole, Bombproof Gear, Hans Bee Cycles at Kamikaze at San Mateo Bikers.
Sa sinumang ibig magpatala, maaring magparehistro sa Team Montalban sa 6829763 o mag-text sa 0917-9478578 o bumista sa anumang sumusunod na venues: Estor Pang Outdoor, 15th Avenue Cubao, Q.C.; Kamikaze Robinsons East, Cainta Rizal; Habagat, SM Megamall, Bombproof, Robinsons Galleria, Joven, Calumpang Marikina; John Wilkie, Sta. Elena, Marikina; Paulinas, Cartimar, Pasay; Kings Quiapo Manila; Power Bikes, Power Plant Mall at sa Rockwell Center Makati.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended