^

PSN Palaro

Sports sapatero

GAME NA! - Bill Velasco -
Matagal nang pinapangarap ni Philip Go ang magkaroon ng sapatos na pang-isports na likhang Pilipino.

Matapos ang labingsiyam na taon sa Rubberworld Philippines at halos isang dekadang pagpapatakbo ng Adidas sa Pilipinas, sa wakas ay sinunod niya ang kabig ng kanyang puso.

"Nakita naming malaki ang nabakanteng puwang ng Rubberworld," paliwanag ni Go. "Naririyan ang mga mamahaling sports shoes sa isang dako, at sa kabila naman ang mga mumurahing sapatos na hindi puwedeng gamitin sa paglalaro. Kaya binuo namin ang Accel."

Mabilis na naging matunog ang Accel, lalo na nang nakuha nilang maisponsor ang FedEx Express na pumasok sa PBA noong nakaraang taon. Kapansin-pansin din ang magagandang mga disenyong likha ng mga Pinoy.

"Mayroon kaming mga designer na Pilipino, at ang pabrika naman namin ay nasa lalawigan ng Tsina kung saan din ginagawa ang mga international brands. Kaya makakasigurado tayong maganda ang kalidad," dagdag ni Go.

At ang kagulat-gulat sa lahat ay ang halaga ng mga sapatos. Walang lalampas sa P 2,000 sa mga gawa ng Accel. Subalit, napakagaan at matibay ang mga gawa nito.

"Naisip ko, praktikal ang mga tao ngayon. Bakit sila magbabayad ng doble para sa sapatos na ilang buwan lamang nila gagamitin?" dugtong pa ng negosyante.

"Lalo na kung may maliliit na anak pa kayo."

Biglang laki naman ang Accel nang makuha nito ang prangkisa para sa PBA Properties. Accel na ang opisyal na gumagawa ng mga jersey, T-shirt, cap, bag at iba pang gamit na may tatak ng PBA at bawat koponan nito.

"Kung titignan ninyo ang mga design namin, magaganda at mura pa. Ikumpara ninyo ang quality, pareho sa mga mamahaling brands."

Dagdag pa rito, nakipagsosyo kay Go ang ShoeMart upang itatag ang SportsCentral, isang napakalaking tindahan kung saan matatagpuan ang lahat ng klaseng sports shoes at apparel na matatagpuan sa mga mall.

"Maganda para sa mamimili na pumunta sa isang lugar at mamili para sa sarili niya. Mas mahirap ang mag-ikot sa mga iba-ibang tindahan. Maikukumpara ng mamimili ang mga iba-ibang klaseng sapatos."

At siyempre, mangunguna roon ang Accel, ang sapatos na likha ng Pinoy, at ginagamit na ng ilang sikat na manlalaro sa PBA.

ACCEL

ADIDAS

BAKIT

KAYA

PHILIP GO

PILIPINO

PINOY

RUBBERWORLD PHILIPPINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with