^

PSN Palaro

Alaska lusot sa Red Bull

-
Isang Linggo na lamang at magbubukas na ang 2003 PBA season, sinimulan na ng Alaska Aces na ipamalas ang kanilang kahandaan sa pamamagitan ng pagposte ng 80-79 panalo kontra sa Red Bull Thunder sa exhibition game na ginanap sa Lyceum gym kagabi.

Ito ang unang panalo ng Alaska sa tatlong tune-up matches kung saan nalasap ng Aces ang dalawang kabiguan sa mga kamay ng Talk ‘N text Phone Pals at sa San Miguel Beer.

Mula sa 10 puntos na pagkakalubog sa halftime, umahon ang Aces sa endgame nang mag-fumble si Enrico Villanueva at nagsimulang humulagpos ang tropa ni coach Tim Cone sa pagtala ng 6-0 run na naglagay sa Aces sa 76-72 pangunguna may 1:34 ang nalalabi sa laro.

Pinilit ng Red Bull na baligtarin ang situwasyon, ngunit ang tanging oposisyon na nagawa ng Thunder ay ang makalapit lamang ng isang puntos matapos na umiskor ng triples si Willie Miller kasabay ng pagtunog ng buzzer.

vuukle comment

ALASKA ACES

ENRICO VILLANUEVA

ISANG LINGGO

PHONE PALS

RED BULL

RED BULL THUNDER

SAN MIGUEL BEER

TIM CONE

WILLIE MILLER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with