^

PSN Palaro

Fil-Ams isasalang sa hot seat

-
Isasalang ngayong umaga sa hot seat ang mga Fil-foreign players na pinagdududahang mga peke ang mga isinumiteng papeles upang makapaglaro sa Philippine Basketball Association (PBA) league.

Inirekomenda nina Senate Majority Leader Loren Legarda at Sen. Robert Barbers, chairman ng senate committee on games, amusements and sports ang pagsalang naman sa mga kinukuwestiyong Fil-foreign cagers na pinag-hihinalaang peke ang mga papeles.

Sentro ng imbestigasyon ang reklamo ng mga local players na karamihan sa Fil-foreign cagers ay nagtataglay ng pekeng dokumento, katulad ang kawalan ng identification card (ID) at affirmation sa korte.

"Kasi sinasabi ng iba, hindi natin pinagbibigyan ang mga player makapagsalita, eh kaya naman ganun dahil gusto namin meron proseso at malinaw ang takbo ng imbestigasyon. Ngayon sila naman ang magsasalita," wika ni Sen. Barbers.

Bagamat tumanggi si Barbers pangalanan kung sino ang isasalang sa hot seat, kabilang sa merong kuwestiyunableng dokumento ay ang ‘Siegle brothers’ na pag-aari ng Cojuangco franchise-sina Andy (Purefoods) at Danny (San Miguel Beer).

Ang ‘Siegle brothers’ ay nangunguna sa talaan ng mga basketbolistang may problema ang mga dokumentong isinumite sa Department of Justice (DOJ) matapos madiskubreng wala itong affirmation.

Maliban kay Danny (SMB) na kinukuwestiyon ang kawalan ng lagda sa duplicate copy ng Filipino ID,nahaharap din sa kahalintulad na problema ang kapatid nitong si Andy, kabilang ang affirmation sa Justice department.

Walong players ang kumpirmadong walang Filipino ID, kinabibilangan ng Siegle brothers, Asi Taulava (TnT) at Eric Menk (Ginebra), James Walkvist (Ginebra) at Alex Crisano (TnT), pawang walang application ng Filipino ID, David Friedhoff (TnT), walang lagda ang duplicate copy ng Filipino ID, Michael Hrabak (Shell), Robert Duat (Alaska) at Ali Peek (Alaska), kapwa kuwestiyunable ang isinumiteng dokumento.

Ayon pa kay Barbers, sa sandaling mapatunayan na pawang peke ang mga taglay na papeles ng mga Fil-foreign cagers na ito ay irerekomenda ng kanyang komite na patalsikin ito palabas ng bansa kasabay ang pagdedeklara sa mga ito na persona non grata.

Aniya, maging ang mga agent ng mga Fil-foreign cagers na ito na mapapatunayang pineke ang kanilang papeles para lamang makapag-laro sa PBA ay papatawan din ng kasong kriminal.

Inaasahan naman ni Barbers na ito na ang huling pagdinig ng kan-yang komite at irerekomenda na ng senado ang magiging kinalaba-san ng imbestigasyon kaugnay sa mga Fil-foreign players sa PBA na inirerekomenda ng mga local players. (Ulat ni Rudy Andal)

ALEX CRISANO

ALI PEEK

ANDY

ASI TAULAVA

DAVID FRIEDHOFF

DEPARTMENT OF JUSTICE

ERIC MENK

GINEBRA

SIEGLE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with