^

PSN Palaro

Overall title sa men's kuha ng UE Warriors

-
Napanatili ng University of the East (UE) ang kanilang men’s overall crown gayundin ang University of the Philippines (UP) sa women’s side ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) fencing competitions na ginanap noong nakaraang linggo sa PhilSports Fencing Hall sa Pasig City.

Pinangunahan ni Rolando Canlas ang individual foil at siyang naging susi sa dominasyon ng UE sa foil team event, habang bumandera naman si Edmon Velez sa individual sabre upang dalhin ang Red Fencers sa men’s overall crown, ang kanilang ikatlong sunod na korona sa ganoon ding dami ng pagdaraos ng UAAP fencing events.

Tinalo ni Canlas si Mark Atienza ng Far Eastern University, 15-5 para sa ginto sa foil event, bago ginapi ni Velez si Gian Carlo Nocum ng University of Santo Tomas, 15-12 para sa sabre title.

Nakopo naman ng UP ang kanilang women’s overall title sa likod ng panalo nina Ma. Dinah Remolacio sa foil, Ma. Margarita Gamallo sa epee at Remolacio and company sa team foil.

Pumangalawa ang UST sa women’s category matapos na kumubra ng tatlong ginto.

DINAH REMOLACIO

EDMON VELEZ

FAR EASTERN UNIVERSITY

FENCING HALL

GIAN CARLO NOCUM

MARGARITA GAMALLO

MARK ATIENZA

PASIG CITY

RED FENCERS

ROLANDO CANLAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with