Kakaibang TV Coverage ngayon

Naging matagumpay ang Bert Lina 6-foot-above tournament na nagbukas sa Lyceum gym nung Lunes. Napakaraming tao ang nagka-interes sa ligang ito at tutuo ka, napakarami ngang batam-batang mga players ang may potential na balang araw eh puwedeng-puwedeng maging superstars.

Napakaganda ng project na ito nina Bert Lina at Lito Alvarez, ang presidente ng FedEx.

Grabe ang ginagawang pagsuporta ng FedEx sa ating local basketball. Kahit na nasa PBA na sila at sikat na sa mga tao, sige pa rin ang pagtulong nila para sa ikauunlad ng ating amateur basketball.
* * *
Nais din naming batiin ang katotong Rellie de Leon na siya namang nag-organize din ng fun bike run sa Luneta Grandstand nung Linggo naman ng umaga.

Hindi mo aakalain na ganun na pala ang interes ng mga tao sa bike run dahil alam nyo bang 1,680 lahat ang sumali.

Nakakaloka!

Dumating sina Sen. Robert Jaworski kasama pa si Dudot pati na rin si Ronnie Rickets, Mike Magat at si Noli Locsin. Sa mga celebrities na yan, sulit na sulit agad yung mga taong nanood at sumali.

Sampung bikes ang ipinamigay sa mga nanalo at may sexy dancer at singer pang special treat para sa mga nanood.

Sana’y magkaroon pa ng ganitong mga projects dahil talaga namang marami ang natutuwa at natutulungan.

Congratulations, Rellie de Leon!
* * *
Pinabubuksan daw noon nina Jojo Lastimosa and company ang PBA Players’ Trust Fund para malaman nga naman nila kung ano na ang status nito.

Pero napahiya lang sila.

Ayaw daw ipakita sa kanila kung ano man ang mga nangyari sa account na ito na nai-open more than ten years ago.

Kaya nahihiwagaan si Jolas.

Ang ipinaliwanag lang daw sa kanila eh yung transactions for the past three years.

Nakita nila kung paano nabigyan ng scholarship yung anak ng ibang players.

But that is not enough, sabi ni Jolas.

Dahil Players’ Trust Fund yan, natural lang na magkaroon sila ng karapatan na malaman kung ano ang tunay na kalagayan nung account na yon at kung anu-ano ang mga transaksiyon na nangyari mula nung ma-open ang account na yon.

May hiwaga nga ba sa account na yan kaya hindi maipakita ang mga transactions nito?

O sadya lang napaka-busy ng mga taga-PBA kaya hindi pa nila maipakita ang mga transactions nito mula noon pa?

Hihingi tayo ng update kay Jolas...
* * *
Nakipag-meeting na rin si Comm. Noli Eala sa GAB.

May utang pala ang PBA sa GAB.

May usapan pa ngang kapag di nakapagbayad ang PBA, baka hindi magbukas as scheduled ang PBA sa Feb. 23.

Pero naniniwala kaming maaayos din ang problema na yan.

I am sure kayang-kaya yan ayusin ni Noli.

I am sure the PBA will open on Feb. 23.
* * *
Naniniwala rin ako na magiging kakaiba ang coverage ng PBA ngayong season na ito.

Kitang-kita ang renewed effort ng mga taga-NBN 4 sa pamumuno ni Ms. Mia Concio.

Ginagawa nila ang lahat para maihandog sa publiko ang isang bagong-bagong PBA at naniniwala kaming kayang-kaya ito ng mga taga-NBN 4.

Show comments