^

PSN Palaro

Espiritu 5th place overall

-
KUALA LUMPUR – Ipinakita na ng veteran rider na si Victor Espiritu ang kanyang pagiging handa sa nalalapit na FedEx Tour Pilipinas at sa Southeast Asian Games nang tumapos ito ng ikalimang puwesto sa Le Tour De Langkawi na nagwakas noong Linggo na tinampukan ng 122-man na tumahak sa finish line sa pusod ng Malaysian capital.

Napaganda ni Espiritu ang kanyang tinapos na 7th place noong 2002 nang okupahan niya ang 5th place ranking sa Langkawi bikefest, na ginamitan ng 2.2 UCI grade na medyo mababa lamang ng 2.1 sa Tour de France.

"Ito na yata ang pinakamahirap na Langkawi tour na nagsalihan na-min. Lahat dito nag-improve, pati qualitying ng competition at riders," ani Espiritu.

Bunga ng upgraded status, ginanap ang Langkawi race bilang qualifying tournament via Ga-muda Eagle Tour noong nakaraang Agosto, nakopo ng Philippines ang slot sa LTDL event matapos na tumapos ng top 3 sa likod ng kampeon na Iran at runner-up na Japan. Nasibak ang Langkawi regulars na China, Korea at Indonesia.

Tinahak ng 28 anyos at No.1 rider ng RP team kasama ang mga teammates na sina Enrique Domingo, Arnel Quirimit, Merculio Ramos at Lloyd Reynante ang 74.4 km. final lap sa tiyempong 1:49.42 na nasabi ring oras na isinumite ng Argentinian stage winner Riben Bongiorno ng Ceramiche Panaria.

Patungo sa KL criterium, ang Philippines ay mayroong lamang 1.54 layo sa likod ng fourth placer Malaysians.

Ngunit ang maikli at patag na course ang nagbigay sa Filipinos ng magandang pagkakataon upang maungusan ang hosts upang maging best sa Southeast Asian country sa 10-stage race na dinomina ni overall champion Tom Danielson ng Amerika.

vuukle comment

ARNEL QUIRIMIT

CERAMICHE PANARIA

EAGLE TOUR

ENRIQUE DOMINGO

ESPIRITU

LANGKAWI

LE TOUR DE LANGKAWI

LLOYD REYNANTE

MERCULIO RAMOS

RIBEN BONGIORNO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with