Ika-anim na sunod na panalo nasungkit ng San Sebastian
February 10, 2003 | 12:00am
Nasungkit ng San Sebastian College ang kanilang ikaanim na sunod na panalo noong nakaraang Sabado upang makisosyo sa liderato sa Letran sa pagpapatuloy ng 78th National Collegiate Athletic Association (NCAA) mens tennis tournament sa Rizal Memorial Tennis Center.
Hiniya ng Stags ang Mapua Institute of Technology, 3-0 makaraang igupo ni Niño Salvador si Raffy Santiago, 6-1, 6-3, pinabagsak naman nina Arvin Ruel at Salvador ang tambalang Flint Almiron at Santiago, 6-4, 6-2 sa doubles, bago tinalo ni Ruel si Paul Vicente Cruz, 8-6.
Ginulantang ng Philippine Christian University ang College of St. Benilde, 3-0 upang pagandahin ang kanilang win-loss record sa 4-2.
Sumandig ang PCU sa mga balikat nina Carlo Estrella na nanaig kontra John Rey Moreno, 3-6, 7-6, 6-3 at namayani naman ang tambalang Roel Licayan at Ricardo Solon sa duo nina Juan Vicente Cruz at Moreno, 6-4, 7-6 bago winalis ni Solon si Cruz, 8-1.
Sa wakas nakapasok na rin sa win column ang University of Perpetual Help-Rizal nang kanilang gapiin ang Jose Rizal University, 2-1.
Pinayukod ni Dennis Canaria si Elmer Torres, 6-1, 6-0 at diniskaril ng pareha nina Harvy Morse at Canaria ang pares nina Gian Reynoso at Torres, 6-4, 6-1, habang sinikwat ni Reynoso si Torres Morse sa iskor na 8-2.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended