Team building ng Batang Red Bull sa China
February 7, 2003 | 12:00am
Trabaho at paglalaro pa rin ang aatupagin ng Batang Red Bull Thunder sa kanilang biyahe patungong Xiamen, China ngayong alas-2 ng hapon para sa tatlong araw na team building program.
Orihinal na itinakda, tutungo sana ang Thunder sa Amerika noong nakaraang Linggo bilang bonus sa kanilang pagpapanatili ng korona sa PBA Commissioners Cup noong nakaraang taon, pero nag-atrasan sila sa biyahe at sa halip, nag-alok si team manager Tony Chua ng mas malapit na destinasyon.
"We were supposed to go to the United States last week. But because of the tension between the US and Iraq and the United Nations, majority of the players and their wives opposed the trip. Baka nga naman anytime ay may mangyaring masama," wika ni Chua.
Sa Xiamen, ang Thunder ay lalaro ng exhibition game kontra sa mga local champion. Matapos ito, sila ay pupunta sa isang maikling tour kung saan umaasa sila na made-develop ang kanilang pagsasamahan. Kasama sa biyaheng ito ang mga bagong manlalaro na sina Enrico Villanueva at Rysal Castro.
Ang 66 na si Villanueva, nahirang na MVP ng 2002 UAAP at PBL Commissioners Cup ay napili bilang ikapito sa draft kamakailan. Siya ay lumagda ng tatlong taong kontrata. Ang 66 sentro na si Castro ay nakuha naman sa second round at pinapirma ng dalawang taong deal.
Ang ikatlong rookie na si Cyrus Baguio ay kasalukuyan pa ring kinukunsidera at posibleng sa kalagitnaan na siya ng taon makasama sa koponan matapos niyang tapusin ang kanyang commitment sa Dazz Dishwashing Paste sa PBL.
Interesado pa rin ang Red Bull sa isa pang draftee si Dustin Coloso na kanilang nakuha sa third round (27th overall).
Pinapirma na rin ng Batang Red Bull si Nelson Asaytono, pero di inihayag ang kanyang kontrata at termino. (Ulat ni ACZaldivar)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended