RP Davis Cup team optimisko
February 7, 2003 | 12:00am
Bagito, pero optimistikong Philippine Davis Cup team ang aalis patu-ngong Wuhan, China ngayon upang makumpleto ang kanilang prepa-rasyon sa susunod na Linggong Davis Cup first round tie kontra sa Chinese sa Asia-Oceania Zone Group II.
Ang koponan ay binubuo nina veteran Cupper Johnny Arcilla, RP No.1 Joseph Victorino, Michael Mora III at Rolando Ruel Jr., ay tinatayang underdogs kontra sa hindi pa malamang Chinese netters, gayunpaman, kapwa binigyan nina coach Martin Misa at non-playing captain Johnny Jose ang kanilang tropa ng tsansa.
"This is a raw team as far as Davis Cup competition is concerned. But we feel that the Chinese share the same feelings with their squad," pahayag ni Misa. "Why will they bring the tie to Wuhan if they are confident of winning? If the Chinese team is good, they could have brought the tie to Beijing or Guangzhou where there will a big crowd."
Habang si Victorino ay nasa itaas ng national rankings, hindi siya nakalaro ng anumang Davis Cup match, si Ruel ay dalawang beses lumaro kung saan isa rito ang kanyang naipanalo at natalo naman ang kauna-unahang sabak ni Mora sa Davis Cup match.
Tanging si Arcilla, ang RP No. 1 tenista ng bansa na magdiriwang ng kanyang ika-23 kaarawan sa Pebrero 15 ang siyang magpapalakas ng kampanya ng bansa sa Davis Cup competitions kung saan siya ay lumalaro sa singles at doubles matches simula ng mapasama sa RP squad noong 2001.
Ayon pa kay Misa, nakahanda ang kanyang tropa na ibigay ang lahat ng kanilang nalalaman kontra sa Chinese.
Makakasagupa ng Filipinos ang Chinese counterparts sa best-of-five matches tie sa Feb. 14-16 na ang mananalo ang siyang uusad sa second round laban naman sa mananalo sa pagitan ng Taiwan o Kazakhstan sa Abril. Ang talunan ay haharap sa mabibigo naman sa Taiwan at Kazakhstan encounter para sa karapatang manatili sa group II.
Ang eventual champion sa nasabing grupo ng walong bansa ang siyang itataas sa elite group 1 sa susunod na taon.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 28, 2024 - 12:00am
November 27, 2024 - 12:00am
November 26, 2024 - 12:00am