^

PSN Palaro

Pinoy riders inabot ng malas

-
CUKAI, Malaysia – Ang pagkaka-flat ng gulong at crash sa final na 4 na kilometro ang nagpabagsak sa Philippines sa maikling distansiya ng tour na 136.3 kms--makaraang ang Filipinos ay isa-isang dumausdos sa 6th stage ng Le Tour de Langkawi.

Tanging ang bagitong si Lloyd Reynante, anak ng legendary cycling great na si Maui ang nakasama sa 78-man field na nakarating sa finish line sa tiyempong 2:50.43, ang nasabi ring oras na ito ang nai-tala ng lap winner at Tour de France stage winner Stuart O’ Grady ng Australia.

Naorasan naman ang No. 1siklista ng bansa na si Victor Espiritu ng 2:51.36 may 53 segundo ang layo sa main pulutong, habang sina Merculio Ramos, Enrique Domingo, Villamor Balu-yut, Arnel Quirimit a warren Davadilla ay dumating sa tiyempong 2:52.12--may isang minuto at 29 segundo naman ang agwat mula sa mga liders.

Nasangkot ang limang Filipino riders sa crash apat na kilometro ang layo sa finish line at kinailangan nilang tumigil upang ayusin ang kani-kanilang mga bisikleta.

Pero ang kaso ni Baluyut ang siyang pinakamasamang nangyari--siya ay natanggalan ng gulong may 20 kms na lamang ang layo sa karera at kinailangan niyang maghintay ng kulang-kulang isang oras bago siya nakasama sa peloton sa 85km mark.

At ang naging resulta, ang Philippines (56:25.30) ay nalagay sa ikalimang puwesto kung saan naiwanan sila ng tour-leading Iranians (56:19.49) ng 5:41 mula sa 3:19.

Nananatiling magkasosyo sa ikalawang puwesto ang Telekom All-Stars na binabanderahan ni Wong Kam Po at ang nakaraang taong Asian individual titlist Tonton Susanto sanhi ng kanilang magkawangis na 56:20.25 na sinundan ng Japan na may 56:20.26 at host Malaysia 56:23.18.

Tatahakin naman ngayon ng mga siklista ang 112.5km journey mula Menera Telekom patungong Kuala Lumpur-Seremban.

ARNEL QUIRIMIT

ENRIQUE DOMINGO

KUALA LUMPUR-SEREMBAN

LE TOUR

LLOYD REYNANTE

MENERA TELEKOM

MERCULIO RAMOS

STUART O

TELEKOM ALL-STARS

TONTON SUSANTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with