Nagpatama ang 14-anyos at 5-foot-7 na si Rivero ng malakas na sipa upang talunin si Domingo sa womens featherweight/light welterweight division.
Taliwas naman ito sa mga nalalabing kasalukuyang national champions sa pangunguna ng Sydney Olympic veterans na sina Roberto Cruz, Donald Geisler, Eva Marie Ditan at Jasmin Strachan na napanatili ang kani-kanilang korona.
Namayani si Cruz kay Angelito Ong, pinabagsak ni Geisler si Ernesto Juan Mendoza II sa fin at welter classes, ayon sa pagkakasunod, habang nanaig naman si Ditan kay Kathleen Alora at sinibak ni Strachan si Christine Calulo sa womens fin at bantam levels, ayon sa pagka-kasunod.
Ang iba pang nakabilang sa mens national pool ay sina fly Tshomlee Go, bantam Manuel Rivero Jr., Jeferthom Go, Alexander Briones, middle Dindo Simpao at heavyweight Dax Alberto Morfe na nagtagumpay laban kina Efren Cudal, Romel Espiritu, Rodolfo Valenzuela Jr., Niño Balatao, Willie Ngo at Michael Alejandrino, ayon sa pagkakasunod.
Ang iba pang nag-qualified sa womens division ay sina flyweight Daleen Cordero at middle/heavyweight Margarita Bonifacio, na nanalo kontra Loraine Lorelie Catalan at Ann Margaret Boyle, ayon sa pagkakasunod.